Pasig PNP, nababahala sa pagdami ng lumalabag sa iba’t-ibang ordinansa

Nababahala ang Pasig City PNP sa dami ng bilang ng mga lumalabag sa ordinansa sa kanilang lungsod.

 

Base sa datos ng Eastern Police District, aabot sa apat na raan at limamput-anim na katao ang nahuli simula kahapon hanggang kaninang umaga.

 

Pinakamarami sa kanilang nahuli ay mga naninigarilyo sa pampublikong lugar habang pumapangalawa ang mga kabataan lumabag sa curfew hour.


 

Ilan sa mga naninigarilyo ay pinagbayad ng multa habang ang iba na ilang beses ng nasisita ay sasailalim sa seminar at community service.

 

Ang mga kabataan naman ay pinauwi din matapos sunduin ng kani-kanilang mga magulang.

 

Dahil dito, hindi titigil ang Pasig police sa pagpapatupad ng ordinansa sa lungsod para mabigyan ng leksyon ang mga lumalabag dito.

Facebook Comments