
Ibinasura ng Supreme Court ang petisyon na kumukwestyon sa bisa ng Manila City Ordinance No. 9151 o ang pagtataas ng garbage collection fees sa lungsod ng Maynila.
Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, sinabi ng Korte Suprema na hindi natugunan ni Barry Tayam ang inihaing petisyon laban kay Mayor Isko Moreno at sa Manila City Council ang mga pangunahing pangangailangan ng judicial review.
Ipinaliwanag pa ng Korte Suprema na walang legal na basehan si Tayam dahil residente siya ng Las Piñas City at hindi direktang apektado ng ordinansa na ipinatutupad lamang sa mga negosyo, at service agencies sa Maynila.
Giit pa ng Korte Suprema, hindi maaaring ituring na taxpayer’s suit ang kaso dahil ang ordinansa ay isang regulatory measure at hindi buwis o revenue measure.
Idinagdag ng Korte Suprema na nilabag din ng petisyon ang hierarchy of courts dahil direktang inihain ito sa Korte Suprema sa halip na sa regional trial court (RTC).
Matatandaan na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ng Maynila










