Petisyon ng mga mamamahayag na dinampot sa Manila Peninsula siege, ibinasura

Manila, Philippines – Ibinasura ng 1st Division ng Korte Suprema ang petition for review on certiorari na inihain ng iba’t-ibang grupo ng mga mamamahayag.

Kaugnay ito sa ginawang pagdampot sa media na nag-cover sa loob ng Manila Peninsula hotel noong November 29, 2007.

Kaugnay ito ng pagkubkob noon sa nasabing hotel ng mga sundalong Magdalo sa pangunguna nina Senador Antonio Trillanes IV at dating General Danilo Lim.


Sa 15 pahinang decision ng Korte Suprema, kinatigan ng mga mahistrado ang nauna nang pag-dismiss ng Makati Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) sa kuwestyon ng mga mamamahayag sa naganap na warrantless arrests at pagdadala sa kanila sa Camp Bagong Diwa sa Taguig para imbestigahan.

Sinabi ng Supreme Court (SC) na walang tinatawag na prior restraint na pumigil para magampanan ng media ang trabaho nito at ang ginawang aksyon ng mga otoridad ay hindi maituturing na labag sa konstitusyon.

Facebook Comments