Petisyon ni Atty. Gadon na Palitan ang Pangalan ng NAIA, Inaasahang Ipapasa ng Kongreso!

Cauayan City, Isabela- Umaasa si Atty. Larry Gadon na papasa sa kongreso ang kanyang isinumiteng petisyon na sana’y mapalitan na ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA sa dati nitong pangalan na Manila International Airport.

Ito ang ihinayag ni Atty. Larry Gadon sa naging uganyan ng RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga.

Aniya, Wala umanong kinalaman si Ninoy Aquino sa naturang paliparan at hindi rin umano ito naging proyekto ni dating pangulong Cory Aquino at Noynoy Aquino at hindi rin umano sapat na dahilan ang pagkakabaril ni Ninoy sa naturang Airport upang ipangalan dito ang kanyang pangalan.


Inihayag rin ni Atty. Gadon na hindi rin umano dapat ituring na s isang bayani si Ninoy dahil ito umano ay isang traydor na nagpasimuno sa pagbuo ng grupo ng New People’s Army o NPA dito sa bansa at napakalaking kasinungalingan din umano na ituring bilang santa si dating pangulong Cory dahil ipinahamak umano nito ang ekonomiya ng ating bansa at lalong lumakas pa umano ang pwersa ng mga NPA.

Kinumpirma rin ni Atty. Larry Gadon na noong isang taon pa umano nito kwinikwestyon ang isyu subalit nangalap muna umano sila ng pirma para sa petisyon hanggang sa naisumite na ito nitong May 8 sa opisina ng Pangulo.

Ayon pa kay Atty. Gadon, layunin umano ng kanyang petisyon na lasunin ang isipan ng taumbayan na hindi bayani ang mga Aquino at upang hindi na umano maging alipin ng propaganda ng mga Aquino at magkaroon na rin ng Political Maturity ang sambayanang Pilipino.

Facebook Comments