MANILA – Tatalakayin na ng Korte Suprema sa susunod na Linggo ang petisyon para hukayin ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te, hindi pa napagde-desisyunan ang isyu dahil naka-leave si Associate Justice Diosdado Peralta, ang ponente o ang sumulat ng desisyon na nagbasura sa petisyong tutol sa Marcos’ burial.Bukod sa paghukay sa labi ng dating Pangulo, pag-uusapan din sa deliberasyon ng mga mahistrado ang petisyon na kasuhan ng contempt ang mga nangasiwa sa paglilibing.Sinabi naman ni DILG Secretary Mike Sueno, may karapatan ang sinuman na kasuhan ang sa tingin nila ay may nilabag na batas.Sa Biyernes, ikinakasa na ng ibat-ibang anti-Marcoses group ang malawakang kilos protesta sa Biyernes (November 25) bilang pagkondena sa patagong paglilibing sa dating diktador sa Libingan ng mga Bayani.
Petisyon Sa Paghuhukay Ng Labi Ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos Sa Libingan Ng Mga Bayani, Tatalakayin Ng Korte Supr
Facebook Comments