Petisyon sa SC na may kaugnayan sa ABS-CBN, iniatras na ni Atty. Larry Gadon

Iniatras na ni Atty. Larry Gadon ang kanyang inihaing petisyon sa Korte Suprema na humihiling na pigilan sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Cong. Franz Alvarez na utusan ang mga kinatawan ng National Telecommunication Commission (NTC) na bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN.

Sinabi ni Gadon sa Supreme Court na ‘moot and academic’ na ang kanyang petisyon matapos maglabas ng cease and desist order ang NTC noong Mayo 5, 2020 laban sa ABS-CBN.

Naghain na rin kasi ng Petition for Temporary Restraining Order (TRO) ang network laban sa NTC.


Gayunman, walang inilabas na TRO ang Supreme Court sa halip ay pinagkokomento ang NTC, Kamara at Senado.

Binawi na rin aniya ni Speaker Cayetano ang kanyang panukalang batas na nagbibigay ng provisional authority pabor sa nasabing media network at agad itong ini-refer sa Committee on Legislative Franchise para magsagawa ng public hearing.

Nais din daw ni Gadon na mabawasan ang backlog ng dockets sa Kataas-taasang Hukuman.

Facebook Comments