Friday, October 16, 2026

Petisyon sa Supreme Court kaugnay sa voting threshold, tiyak hindi makakadiskaril impeachment trial at walang epekto sa prosekusyon

Tiwala si House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na hindi makadiskaril sa takbo ng impeachment trial ang mga petisyon sa Supreme Court kaugnay sa desisyon ng impeachment court sa nararapat na bilang ng botong kailangan sa paghatol kay Vice President Sara Duterte.

Sabi ni Ortega, hindi naman hihinto ang paglilitis hangga’t walang desisyon ang Supreme Court sa mga petisyon.

Ayon kay Ortega, hindi rin nito maaapektuhan o mahahadlangan ang pagtupad ng prosekusyon sa kanilang tungkulin na magpresenta ng mga ebidensya at testigo na susuporta sa mga articles of impeachment laban kay VP Sara.

Sabi ni Ortega, noon pa man ay inasahan na ng prosekusyon ang ganitong mga legal na hamon sa buong proseso ng impeachment kaya tuluy tuloy ang kanilang mga paghahanda at pagtatrabaho.

Facebook Comments