Wednesday, September 30, 2026

10 guro, sundalo at pulis , kinilala ni PBBM para sa natatanging serbisyo sa bayan

Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 10 pinarangalan bilang 2026 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos na ipagpatuloy ang kanilang serbisyo at maging inspirasyon sa mas marami pang Pilipino.

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang kanilang dedikasyon dahil may direktang epekto ito sa mga komunidad at sa buhay ng mga Pilipino.

Ipinapakita aniya ng mga awardee na mas nagiging makabuluhan ang mga programa ng pamahalaan kapag may mga taong handang magsilbi at gampanan ang kanilang tungkulin.

Hinimok din ng Pangulo ang mga pinarangalan na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa at hikayatin ang iba pang Pilipino na maglingkod sa kapwa.

Kabilang sa mga awardee ang mga natatanging guro, sundalo at pulis.

Facebook Comments