
Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR), hanggang sa October 31, ang deadline ng pagdi-display ng BIR Registration Seal Badge sa mga website, e-commerce o e-marketplace pages, social media accounts, at iba pang digital platforms.
Sakop ng kautusan ang mga online seller, merchant, o digital platform operators na nagbibigay ng goods o services sa pamamagitan ng digital o electronic platforms, base sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 99-2026, na alinsunod naman sa Section 5(H) ng Revenue Regulations (RR) No. 7-2024 at Section 7 ng RR No. 15-2024.
Layon nito na mabigyan sila ng sapat na panahon para makapag-secure ng BIR Registration Seal Badge at mai-display ito bilang patunay na rehistrado sa BIR ang kanilang online business.
Layon din ng nasabing Seal Badge na bigyan ng seguridad at magtiwala ang mga konsyumer sa mga online seller o merchant.
Samantala, maaari namang patawan ng parusa ng ahensya ang sinumang online seller o merchant na mapapatunayang hindi sumusunod sa nasabing kautusan.










