Manila, Philippines – Naghain ng petisyon para sa dagdag-sahod sa mga pribadong sektor sa National Capital Region ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP.
Sa nasabing petisyon, humirit ang grupo ng 184 pesos na dagdag sa minimum wage, mas mataas sa una nilang plano na 157 pesos.
Ayon kay Eva Arcos ng ALU-TUCP base kasi sa datos ng National Wage and Productivity Commission (NWPC), malaki na ang ibinagsak ng purchasing power ng mga manggagawa.
Aniya, nasa 357 piso na lamang ang tunay na halaga ngyaon ng 491 pesos na minimum wage sa ncr batay sa itinaas ng presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo.
Nakapaloob din sa petisyon ang P500 subsidy kada buwan para sa mga minimum wage earner sa loob ng isang taon.
Kasabay nito, umaasa umano ang ALU-TUCP na matutupad ang pangakong pakikipagpulong sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
DZXL558