Pfizer vaccines, posibleng sa 2nd quarter na ng taon darating sa bansa

Posibleng sa second quarter pa ng 2021 makarating sa bansa ang bakuna kontra COVID-19 ng Pfizer.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, sa nakikita nilang sitwasyon sa ngayon na talaga namang mataas ang demand sa Pfizer vaccine ay posibleng hindi na umabot ngayong first quarter ang mga bakuna na manggagaling sa Covax Facility.

Sinabi pa ni Galvez na nasa kamay na ngayon ng Pfizer ang bola dahil sa panig ng gobyerno ay ginawa na nito ang lahat para makatugon sa hinihinging requirements ng Pfizer lalo na sa indemnification agreement.


Nabatid na nasa 117,000 doses ng Pfizer vaccines ang commitment ng Covax Facility para sa Pilipinas.

Pero ang mga bibilhin nating bakuna sa nasabing vaccine manufacturer ay maaaring makarating pa sa third o fourth quarter ng taon.

Ang Pfizer na may 95% efficacy rate ang sinasabing pinakasensitibong bakuna dahil nangangailangan ito ng ultra-cold storage kung kaya’t hindi ito “advisable” na dalhin sa pinakaliblib na lugar sa bansa.

Facebook Comments