PFP | PRRD, ikinokonsidera na maging Chairman ng Partido Federal ng Pilipinas

Manila, Philippines – Inaantabayanan sa nalalapit na assembly ng Partido Federal ng Pilipinas ang posibleng pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa alok na maging Chairman ito ng PFP.

Inanunsiyo ni dating LTFRB Chairman na ngayoy Secretary General ng Partido Federal ng Pilipinas na si Thompson Lantionnito na ito nailapit na ng PFP kay Duterte kayat malaki ang paniniwala nila na ito na ang simula ng pagbabago.

Aniya, may sarili silang ginagawang mga panukala at suhesyon na maaaring maisumite sa Pangulong Duterte na maaaring makatulong sa pagpapaunlad sa bansa.


Ang PFP anya ay naka concenctrate sa pagsusulong sa pagkakaroon ng madaming desenteng trabaho para sa mamamayan, katulong sa programa laban sa ilegal drugs at anti-poverty campaign.

Aniya, si Elmer Francisco, founder ng Francisco Motors ang senatoriable nila sa darating na halalan at sinusuportahan ang kandidatura ni QC Vice Mayor Joy Belmonte bilang Chairman ng PFP NCR.

Facebook Comments