PGH, naglabas ng abiso sa mga pupunta sa kanilang emergency room

Nag-abiso ngayon ang pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na pawang mga “coordinated transfer” lamang o mga itinawag sa kanilang Transfer Command Center ang tatanggapin sa emergency room (ER).

 

Ito ay para masigurong matutugunan ng PGH ang pangangailangan ng bawat pasyenteng nahawaan ng COVID-19.

 

Partikular ang mga inililipat at mga nauna ng dinala sa ER ng PGH.


 

Paraan din ito upang maabot ng PGH ang kanilang layunin na maibigay ang sapat at ligtas na pangangalaga sa kanilang mga pasyente.

 

Sa kasalukuyan, nasa 323 na ang bilang ng COVID-19 patient ang naka-admit sa PGH kung saan 320 sa bilang nito ang positibo sa virus.

 

Nasa 4,180 naman na ang naitala ng PGH na gumaling sa COVID-19 habang ang kabuuang bilang mga na-admit na pasyente na nahawaan ng nasabing sakit ay nasa bilang na 5,746.

Facebook Comments