PGI Isabela, Nakikiramay sa pagpanaw ng ikalawang COVID-19 Positive

Cauayan City, Isabela-Nakikidalamhati ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa isang ikinonsiderang pasyente na nasawi may kaugnayan sa COVID-19 na si CV514.

Ayon kay Atty. Elizabeth Binag, Provincial Information Officer, nalulungkot ang pamahalaan sa ikalawang kaso ng mortality mula sa bayan ng Naguilian kung saan binawian ito ng buhay nitong huwebes, August 27.

Giit ni Binag, may comorbidities o iba pang sakit ang pasyente gaya ng pneumonia, diabetes at chronic kidney disease na pinaniniwalaang nagpalala sa kalagayan ng kalusugan at mauwi sa kanyang pagkamatay.


Matatandaang dinala nitong August 15 sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang pasyente bilang bahagi ng pagsasailalim sa isolation facility matapos itong magpositibo sa virus.

Kinumpirma din ng opisyal na may kasaysayan ng pagbiyahe ang pumanaw na pasyente sa kalakhang maynila dahil sa kanyang pagsasailalim sa dialysis.

Paliwanag pa ng opisyal, ‘secondary’ lang ang COVID-19 na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments