PH, dapat iprayoridad ang pagbabakuna sa mga senior citizens – WHO

Nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa mga Local Government Units (LGUs) sa Pilipinas na iprayoridad ang pagbabakuna sa mga senior citizens sa harap ng banta ng Delta variant.

Inihayag ng WHO Philippines ang kanilang pagkabahala sa tila mabagal na COVID-19 vaccination rate ng senior citizens sa ilang LGUs.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang “usad-pagong” na pagbabakuna sa mga senior citizens ay mauuwi sa pag-apaw ng mga pasyente sa mga ospital.


Tataas din aniya ang severe cases at bilang ng mga mamamatay.

Mahalagang sila ang unang mabakunahan para maraming masagip na buhay.

Giit pa ni Abeyasinghe na hindi naman mahirap na maabot ang 100-percent coverage para sa mga senior citizens.

Sa ngayon, nasa 2.1 million mula sa 8.5 master-listed senior citizens sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19.

Facebook Comments