PH Red Cross handa na rin sa eleksyon

Magpapakalat ang Philippine Red Cross (PRC) ng 2,000 staff and volunteers sa buong bansa para 2019 national and local midterm elections.

Nais kasing matiyak ng Philippine Red Cross (PRC) na ligtas at maayos ang bawat mamamayan habang ginagampanan ang kanilang karapatang bumoto.

Upang maprotektahan ang kanilang kapakanan, maglalagay ang PRC ng first aid station, welfare desk, emergency vehicle at mobile unit (roving team) sa mga paaralan at  local chapters duty sa araw ng halalan.


Ang Philippine Red Cross sa pakikipagtulungan sa Commission on Elections (Comelec) ay magse-set up ng 310 first aid stations at 158 ​​welfare desks, mag-deploy at standby 150 ambulansya at 42 emergency vehicles sa iba’t-ibang strategic areas.

Para sa emergency at hindi inaasahang mga pangyayari, maaaring makipag-ugnay sa PRC 24/7 Operations Center, dial 143 o 790-23-00 para sa tulong.

Matatandaan tinulungan ng Philippine Red Cross (PRC) ang higit sa 11,000 tao noong 2016 national election.

Facebook Comments