Comelec, itinangging sila ang nasa likod ng pagkakatatag ng Lente

Manila, Philippines – Nilinaw ni Comelec Spokesman James Jimenez na walang kinalaman ang poll body sa pagkakatatag ng

Legal Network for Truthful Elections o Lente.

Ayon kay Jimenez, ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) ang nasa likod ng pagkakatatag ng Lente.


Ang Lente kasi ang papalit sa NAMFREL bilang election watchdog.

Ito ay dumaan din sa pag-apruba ng Comelec En Banc.

Una nang umani ng batikos ang pagtatag sa Lente isang linggo bago ang halalan sa Lunes.

Facebook Comments