Pilot implementation ng motorcycle taxi, isang magandang hakbang sa sektor ng transportasyon

Manila, Philippines – Pinuri ni Senator JV Ejercito ang desisyon ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magpatupad ng pilot implementation ng motorcycle taxi sa Metro Manila at Metro Cebu.

Diin ni Ejercito, mainam na paraan ito para mapatunayan na makakatulong sa public transport system ang paggamit sa motorsiklo bilang taxi.

Magugunita na nitong Enero ay inihain ni Ejercito ang Senate Bill no. 2180 na humihiling na payagan ang motorsiklo para gamiting pampasada.


Buo ang tiwala ni Ejercito, na isang epektibong solusyon sa matinding problema sa trapiko ang pagpapatupad ng motorcycle taxi.

Facebook Comments