Ngayong inaasahan na ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan, pinaghandaan na ito ng Philippine Red Cross (PRC).
Ayon sa PRC, nakahanda na ang kanilang team para rumesponde sa anumang pagbaha, landslide o anumang sakuna.
Kasunod nito pinapayuhan ng Red Cross ang publiko na ugaliing maghanda at ihanda ang 72-hour safety kit na naglalaman ng pagkain, tubig, emergency tools, gamot, pera at mga importanteng dokumento.
Sinabi din ng Red Cross na nakaposisyon na ang kanilang response and rescue equipment maging ang kanilang warehouses kung saan nakaimbak ang kanilng relief goods.
Kabilang sa kanilang ide-deploy sa mga strategic areas ay ang mga sumusunod:
2000 Staff and Volunteers
150 Ambulances
9 Hotmeals on Wheels
55 Rescue Boats
5 Rescue Trucks
101 Generator Sets and Tower Lights
7 Payloaders
8 six by six trucks
2 Amphibians
Payo ng PRC sa oras ng sakuna maaring tumawag sa 143 o 790-23-00 para sa assistance.