Iginiit ng Philippine Red Cross (PRC) na kailangang bayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang natitirang utang nito na nasa 571 million pesos.
Ito ay matapos makakuha ang PRC ng test kits mula sa China para sa COVID-19 testing operations sa bansa.
Ayon kay PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, ang PhilHealth ay nagbabayad sa kanila ng 100 million pesos kada 10 araw para sa COVID-19 tests.
Aminado si Gordon na nahihirapan sila sa pagpopondo para dito.
Matatandaang inihinto ng Red Cross ang COVID-19 testing matapos sumampa ng higit 1 billion pesos ang utang ng PhilHealth pero agad na ipinagpatuloy ito noong Oktubre nang bayaran ng state health insurer ang kalahati ng utang nito.
Facebook Comments