Manila, Philippines – Nangako ang Philippine Red Cross (PRC) na magbibigay ng assistance sa mga biktima ng measles o tigdas.
Matatandaang nagdeklara kamakailan ang Department of Health (DOH) ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Western at Central Visayas.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, nakahanda silang magkaloob ng medical interventions kabilang ang paglalagay ng 100-bed emergency medical unit at welfare desks sa San Lazaro Hospital.
Magsisilbi ito bilang extensionward para matugunan ang patuloy na pagdami ng mga measles victims.
Maliban dito nagkaloob na rin ang PRC ng blankets at hygiene kits sa mga pasyente sa ospital.
Sa datos ng DOH as of January 26, nakapagtala ang Calabarzon ng 575 measles cases at 9 deaths.
Western Visayas na mayroong 104 cases at 3 deaths habang ang Central Visayas na mayroong 71 cases at 1 death at ang Metro Manila na may 441 cases at 5 deaths ang Central Luzon na mayroong 192 cases at 4 deaths.