PH-US balikatan medical mission, naghatid ng serbisyong medical sa Cagayan

Bilang bahagi ng isinasagawang Humanitarian Civic Action program ng Balikatan Exercise, matagumpay na isinagawa ang Community Health Engagement sa Brgy. Dagupan, Lal-lo, Cagayan.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), umaabot sa 129 katao ang nabigyan ng libreng konsultasyong medikal.

Mayroon ding 126 na mga residente ang nabigyan ng dental check-up, kung saan 61 ang nabigyan ng fluoride treatment, 46 ang sumailalim sa dental surgery, at 5 ang nagpalinis ng ngipin.


Layon ng aktibidad na palakasin ang kalusugan ng mga komunidad at itaguyod ang kahandaan sa oras ng sakuna.

Ayon pa sa AFP, bahagi ito ng mas malawak na layunin ng Balikatan na palakasin ang koneksyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa pamamagitan ng serbisyo sa mamamayan.

Facebook Comments