Ambag sa ekonomiya ng OFWs, dapat tapatan ng ibayong tulong ng pamahalaan

Nanawagan si House Deputy Speaker and Las Piñas Rep. Camille Villar ng ibayong tulong at proteksyon para sa mgs Overseas Filipino Workers o OFWs.

Sabi ni Villar, ito ay bilang sukli na rin sa napakalaking ambag ng mga OFWs sa ekonomiya ng bansa.

Pangunahing tinukoy ni Villar na dapat tiyaking naibibigay sa mga OFWs ay ang legal assistance at repatriation kung kailangan.

Binanggit din ni Villar ang pagkakaloob ng livelihood opportunities sa mga OFWs at hotline na nakalaan kung saan maari silang dumulog anumang oras.

Magugunitang isa si Villar sa mga nagsulong ng panukalang batas para sa pagtatag ng Department of Migrant Workers Act na syang tumututok sa kapakanan ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments