Phil. Army bibili ng mahigit P100-M halaga ng revolver grenade launcher

Aasahan na ang dagdag na units ng 40mm revolver grenade launcher para sa Philippine Army.

Ito ay dahil nakalinya na sa kanilang agenda ang pagbili ng 178 na 40mm revolver grenade launcher.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zagala, nagpapatuloy ngayon ang pag-iimbita ang Philippine Army Bids and Awards Committee sa lahat ng suppliers, distributors at manufacturers ng 40mm revolver grenade launcher para sa pag-bid na ang pre-bid conference ay isinagawa nitong May 16 at bubuksan ang mga sealed bids sa May 29.


Naglaan aniya ang AFP ng mahigit 106 million pesos para sa pagbili ng mga units na ito.

Paliwanag ni Zagala kung mabibili ito mas makakapagpalakas  pa ito ng firepower ng mga combat squad na tumutugis sa NPA at iba pang mga terorista.

Sa kasalukuyang gumagamit ng grenade launcher ang mga sundalo pero ito ay “single barrel” lang na nakakabit sa mahabang armas.

Aniya ang bagong revolver grenade launcher ay isang hiwalay na launcher na may anim na barrel, na kayang ng sunod-sunod na pagpapaputok ng M203 grenades sa engkwentro.

Kung dati rati ay kailangan aniya ng 6 na sundalo para magpasabog ng 6 na 40mm grenade sa engkwentro, ngayon ay isang sundalo na lang ang makakagawa nito nang mas mabilis pa.

Facebook Comments