*Cauayan City, Isabela-* Pinag-isa na sa unang pagkakataon ang Philippine Federation of Electric Cooperatives o PHILFECO at Philippine Rural Electric Cooperative Association o PHILRECA sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni PHILFECO Chairman David Solomon Siquian at General Manager ng ISELCO 2, na pinagkaisa na ang lahat ng mga electric cooperatives sa bansa sa ginanap na 39th Annual General Membership Meeting ng PHILRECA at PHILFECO Convention sa General Santos City.
Dinaluhan umano ito ng mga general, mga director at ilan sa mga staff ng PHILFECO AT PHILRECA upang magpulong-pulong hinggil sa mga isyu at kapakanan ng kanilang samahan ng kooperatiba maging sa iba pang electric cooperatives.
Aniya, Layunin umano nito na mas lalong mapaganda ang kanilang pagbibigay serbisyo sa mga consumers at para na rin umano sa ikauunlad ng mga samahan ng mga electric Cooperatives dito sa bansa.
Bukod pa rito ay upang mabantayan rin umano ang Business, Economic, Institutional at Financial threat sa mga samahan ng kooperatiba.
Sa ngayon ay tatawagin na umanong Philippine Rural Electrive Cooperatives ang pinagkaisang PHILRECA at PHILFECO.