Monday, October 26, 2026

Philhealth, dapat bumuo ng benefit package para sa postpartum mental health support

Hiniling ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) na bumuo ng benefit package na susuporta sa mental health ng mga babaeng bagong panganak.

Ang panawagan ni Yamsuan sa Philhealth ay nakapaloob sa Inihan niyang House Bill 8617 o panukalang tutugon sa postpartum mental health support.

Ayon kay Yamsuan, Kakagunita lang natin ng National Mental Health Week nitong nakaraang linggo pero wala tayo gaanong narinig tungkol sa postpartum mental health na isa ring dapat pagtuunan ng pansin.

Ito ay kahit lumabas sa pag-aaral na tatlo sa bawat limang buntis o postpartum Filipino women ay nakakaranas ng mga sintomas ng depression.

Kaya naman giit ni Yamsuan, ang postpartum depression, anxiety o stress ay hindi dapat ipagwalang-bahala na lamang.

Facebook Comments