PhilHealth, handang sumailalim sa special audit kaugnay ng alegasyong ‘overpricing’ sa kanilang COVID-19 package

Handa ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sumailalim sa special audit kasunod ng alegasyong ‘overpricing’ sa COVID-19 package nito.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Dr. Shirley Domingo, wala silang itinatago.

Handa aniya silang sumailalim sa special audit na regular din namang ginagawa ng Commission on Audit (COA).


Matatandaang sa pagdinig ng Senado, kinuwestyon ni Senator Franklin Drilon kung bakit umabot sa P2,700 ang presyo ng test kits para sa P8,150 package.

Una nang ipinaliwanag ng PhilHealth na ang halaga ay nakabatay sa datos na nakolekta noong nagsisimula pa lamang ang pandemya.

Binubusisi na ng ahensya ang package at inihahanda na rin nila ang ikalawang COVID-19 testing rates.

Kasabay nito, tiniyak ni Domingo na sapat pa ang pondo ng PhilHealth sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments