Inilabas na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bagong benefit package rates nito para sa plate-based at cartridge-based Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) COVID-19 testing.
Nakapaloob ang mga ito sa PhilHealth Circular No. 2021-0021 at epektibo noong Nobyembre 30, 2021.
Batay sa datos, ang coverage ng ahensya para sa plate-based RT-PCR ay nagkakahalaga ng P800 hanggang P2,800, habang P500 hanggang P2,450 para sa cartridge-based tests.
Ibinase ang presyo sa revised costing estimates at price cap na itinakda ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI).
Maaaring ma-avail ang COVID-19 testing benefits sa mga PhilHealth-accredited testing laboratories.
Facebook Comments