PhilHealth kakasuhan ng libel ang dating Anti-Fraud Legal Officer na si Thorsson Keith

Sasampahan ng kasong libel ng pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Executive Commitee Member si dating Anti-Fraud Legal Officer Thorsson Keith.

Kaugnay ito sa isiniwalat ni Keith na umaabot sa ₱15 bilyon ang ninakaw sa PhilHealth.

Sa ginanap na virtual briefing, inihayag ni Atty. Rodolfo del Rosario, Senior Vice President, Legal Sector ng PhilHealth na inihahanda na nila ang kaso laban kay Keith.


Muling inihayag ng PhilHealth na malisyoso ang pahayag ni Keith at nais lamang nitong hiyain ang mga opisyal na humarang dito para maabot ang inaasam na mas mataas na posisyon.

Samantala, sinabi naman ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na gusto na rin niyang malaman ang resulta ng mga imbestigasyon kasama na ang rekomendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Malacañang tungkol sa umano’y anomalya sa PhilHealth.

Facebook Comments