PhilHealth, naglabas ng opisyal na pahayag kaugnay sa pagsuspinde sa Interim Reimbursement Mechanism

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa pagsuspinde sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

Ayon sa PhilHealth, bagama’t sinuspinde ang IRM, hindi naman ito makakaapekto sa mga benepisyong matatanggap ng kanilang mga miyembro, dahil pagbibigay-daan lang ito sa mga imbestigasyon at pagdinig na isinasagawa ng Senado at Kongreso.

Tiniyak din ng PhilHealth na mabibigyan ng benefits packages ang kanilang mga miyembrong nangangailangan ng pampa-ospital, COVID-19 testing at community isolation.


Ang opisyal na pahayag na ito ay bilang pagsunod sa Circular No. 2020-0007 kung saan nakapaloob ang proseso kung paano nakakakuha ng IRM funding ang mga healthcare facilities sa bansa.

Kasabay nito, pinabulaanan naman ng PhilHealth ang ulat na mayroong favoritism na nagaganap sa disbursement ng IRM funds.

Facebook Comments