PhilHealth, nakatakdang maglabas ng malinaw na guidelines sa mga COVID-19 patient na nasa mga hospital tent

Nire-review na ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang kanilang polisiya para matugunan ang mga COVID-19 patient na nasa hospital tents.

Kasunod na rin ito ng panawagan ng ilang senador na isama rin sa coverage ng PhilHealth ang mga COVID-19 patient na nasa mga hospital tent kasunod ng paglobo ng kaso ng tinatamaan ng virus sa mga ospital.

Nabatid rin na ilang pribadong ospital ang sinisingil ang mga COVID-patient ng isang libo kada oras sa pananatili sa mga hospital tent.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña na ini-imbestigahan na nila ang mga report na ito.

Paglilinaw ni Baleña, covered ng PhilHealth ang mga COVID-19 patient na nasa ilalim ng inpatient care kahit sila pa ay nasa mga tent.

Bunsod nito, nakatakda magpalabas ang PhilHealth ng malinaw na guidelines hinggil dito.

Facebook Comments