PhilHealth, pinayuhan ang publiko na isumbong ang mga kaso ng upcasing at abuso sa health insurance

Umapela ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na isumbong ang mga kaso ng upcasing o anumang uri ng abuso sa health insurance.

Nabati na may ilang healthcare providers na nakikipagsabwatan sa mga pasyente para ideklara ang minor respiratory symptoms tulad ng asthma bilang COVID-19 para makakuha ng malaking benepisyo.

Ayon kay PhilHealth, mahalagang makipagtulungan ang publiko sa gagawing imbestigasyon.


Kapag napatunayang may nangyaring upcasing o isang uri ng health insurance fraud ay pwedeng pagmultahin ng hanggang ₱200,000 o suspensyon ng kontrata ng hanggang tatlong taon para sa healthcare provider.

Maaaring patawan ng anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong sa ilalim ng Section 38 ng Universal Health Care Law.

Ang mga may natatanggap na ganitong insidente ay maaaring ipagbigay-alam sa PhilHealth para agad itong maaksyunan.

Paalala ng PhilHealth sa publiko na ang pagprotekta sa PhilHealth fund ay responsibilidad ng bawat miyembro.

Ang National Health Insurance fund ay isang public fund at anumang pag-abuso dito ay mapaparusahan sa ilalim ng batas.

Facebook Comments