PhilHealth President Ricardo Morales at iba pang opisyal, handang sumailalim sa lifestyle check

48

Tinanggap ni PhilHealth President Ricardo Morales ang hamon ng mga senador na siya at iba pang opisyal ay sumailalim sa lifestyle check.


Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, iginiit ni Morales na ang kontrata para sa modern Information Technology (IT) system ay ibi-bid out kung saan tanging ang malalaking international firms lamang ang papayagang mag-bid.

Ang mga maliliit na local firms ay hindi kakayanin ang IT standard na itinakda ng PhilHealth para sa mainframe at iba pang technical requirements.

Makatutulong sa kaniya ang modern IT system para pangasiwaan ang ahensya at malinis ang PhilHealth mula sa korapsyon.

Kapag na-upgrade ang IT system, mababawasan ang mga maling datos sa records ng ahensya.

Binanggit ni Morales na nasa 5,000 senior citizens sa kanilang record na nasa 130 years old na.

Importante rin ang pagkakaroon ng biometrics, facial recognition at iba pang electronic interventions na makababawas ng panloloko at katiwalian sa ahensya.




Facebook Comments