PhilHealth President Ricardo Morales, iginiit na laganap ang systematic fraud sa lahat ng health systems sa mundo

295

Iginiit ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Ricardo Morales na ang katiwalian sa ahensya at kapareho na health systems sa iba pang panig ng mundo ay systematic.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na pinamumunuan ni Senate President Vicente Sotto III, binigyang diin ni Morales na hindi mareresolba ang korapsyon sa ahensya sa loob lamang ng isang taon.


Ang Internal Anti-Fraud Mechanisms ay hindi akma at hindi sapat para matugunan ang mga problema sa ahensya.

Dagdag pa ni Morales, walang sapat na resources na kailangan para sa isinusulong na reporma sa organisasyon.

Samantala, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II na hinihintay nila ang request mula sa PhilHealth para sa evaluation ng pagmo-modernize ng kanilang procurement programs.

Facebook Comments