Philippine Army, nakatanggap ng automated weapon system na gawang-Pilipinas na COBRA mula sa DOST

Nakataggap ang Philippine Army ng isang lokal na disensyo na Controller-Operated Battle Ready Armament (COBRA) mula sa Department of Science and Technology (DOST) sa isinagawang turn-over ceremony sa Armor Division’s headquarters sa Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.

Ito ay isang automated weapons sytem na hindi na kailangan pang i-expose ang mga kasundaluhan sa mga heavy fire habang nagooperate ng mga heavy weapons.

Ayon kay Army Chief Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, ang nasabing proyekto ay hindi lamang produkto ng National Defense, kundi ito ay sumisimbolo na kaya ng ating bansa na gumawa ng sariling atin sa pamamagitan ng siyensya at teknolohiya.

Kaugnay nito, nasaksihan ng mga opisyal ng Department of National Defense, DOST at Philippine Army kung paano nagagamit ang nasabing Project COBRA.

Ayon sa Philippine Army, ang nasabing proyekto ay nakaalign sa AFP Modernization program kung saan binibigay ang lahat ng maaring resources para sa mga sundalo nang sa gayon ay maaccomplish ang bawat misyon ng epektibo at suporta sa active transition ng militar sa mga external security operations.

Facebook Comments