Philippine Army, nakatanggap ng mga PPE kontra COVID-19 mula sa isang corporation

Nakatanggap ang Philippine Army ang 49 na mga thermal scanners, eye protectors, face masks at gloves mula sa Philippine National Oil Company Exploration Corporation.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zagala, makakatulong ang mga equipment na ito para maprotektahan ang mga sundalo laban sa COVID-19.

Sinabi pa ng opisyal napapanahon at life-saving ang donasyon na ito para sa kanila lalot patuloy nilang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng banta ng COVID-19.


Ang turnover ng mga equipment ay ginawa kanina sa Philippine Army Officers Clubhouse, Fort Bonifacio, Taguig City.

Ang mga tauhan ng Philippine Army ay katuwang ngayon ng Philippine National Police (PNP) para magbantay sa mga checkpoints, mga border sa Luzon kaugnay sa umiiral ng Luzon Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nasa 11 na araw ngayon.

Facebook Comments