‘He is not dying nor he is dead’: Dating Sen. Bongbong Marcos, negatibo sa COVID-19

213
Image from Facebook/Bongbong Marcos

Mariing pinabulaanan ng misis ni dating Senator Bongbong Marcos ang impormasyong kumakalat sa social media na nag-aagaw buhay ang kaniyang asawa at kinailangan pang pumunta ng Singapore para maipagamot.

“Contrary to the rumors currently circulating, my husband is well. His lungs did not collapse. He was not airflifted in Manong Chavit’s plant to get treatment in Singapore. He is not dying nor dead,” pahayag ni Atty. Liza Marcos.


Ayon pa sa abogado, maayos ang kondisyon ng kabiyak at nagpapahinga lamang ito sa kanilang tahanan.

Isinapubliko rin ng maybahay ang litrato ng dating mambabatas na kinunan ng kaniyang anak nitong Huwebes ng umaga.

Sa larawan, makikitang nakangiti ang pulitiko habang may hawak na diyaryo at nakaupo rin ito sa kama.

Kinumpirma ni Liza na sumailalilm sila at buong staff sa COVID-19 testing matapos sumama ang pakiramdam ni BBM pagkauwi galing sa bansang Spain.

Pero paglilinaw niya, negatibo ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa kanila.




“We are taking the COVID-19 outbreak seriously and have instituted sanitation procedures here at home. We hope you and your family can do the same.”

Lubos naman ang pasasalamat ng pamilya Marcos sa lahat ng nag-alala sa kondisyon ng opisyal.

Facebook Comments