Philippine Army, pinaghahanda ni PBBM laban sa mga banta sa soberanya ng bansa

Pinaghahanda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Philippine Army laban sa mga umuusbong na banta sa soberanya ng Pilipinas.

Matatandaang unang nagbigay ng direktiba si Chinese President Xi Jinping sa Chinese military na maghanda kasunod ng tumataas na tensyon sa West Philippine Sea.

Ayon kay Pangulong Marcos, dapat maging handa ang Hukbong Sandatahan sa anumang misyon at tiyaking kaya nitong labanan ang mga banta sa seguridad.


Maaari rin aniyang gamitin ng mga sundalo ang kanilang natututunan sa joint military exercises mula sa ibang bansa.

Samantala, pinuri naman ng pangulo ang tagumpay ng Philippine Army sa mga internal security operations, kasabay ng paglipat nito sa external defense.

Facebook Comments