Philippine Army, tiniyak na hindi makikisawsaw sa pulitika

Siniguro ng Philippine Army na sila ay mananatiling professional at tatalima sa Chain of Command.

Ito ang tiniyak ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido sa harap na rin ng ingay sa pulitika at ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Gen. Galido, mandato nilang protektahan ang sambayanan at ang soberenya ng Pilipinas.


Una nang pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may pagkilos ang militar kaugnay ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.

Kasabay ng panawagan sa publiko na maging mahinahon at hayaan na gumulong ang legal na proseso.

Facebook Comments