Ilang politiko, biktima ng cyber election related incidents

Kinumpirma ng Anti Cybercrime Group (ACG) ng Philippine National Police (PNP) na may naitala na silang apat na kaso ng cyber election-related incidents.

Ayon kay PNP ACG Spox Lt. Wallen Arancillo, kabilang sa mga biktima nito ay dalawang alkalde, isang board member, at isang brgy. captain.

Aniya ang mga ito ay biktima ng pagpapakalat ng fake news, threat, at defamatory content na sumisira sa reputasyon ng isang indibidwal.


Maliban dito, nakatanggap din sila ng maling balita patungkol sa paggamit sa mga pulis bilang pampadami sa mga raliyista na dumadalo sa mga political events at reports sa social media accounts na nagtuturo kung papaano mang-hack ng voting machines online.

Bagama’t wala pang naaaresto, naisampa na ang mga kaso sa piskalya.

Facebook Comments