Tumanggap ang Philippine Army ng dalawang ambulansya na magagamit sa paglaban sa COVID-19.
Tinanggap ito ng Philippine Army kahapon s pagdiriwang ng kanilang ika 123 taong anibersaryo.
Ang dalawang ambulansya ay donasyon ng Lucio Tan Group of Companies (LT Group, Inc.) at Jaime V. Ongpin Foundation Inc. (JVOFI).
Ang mga bagong Toyota Grandia na ambulansya ay gagamitin ng Army General Hospital upang mapalakas ang kanilang kapabilidad na suportahan ang Enhanced Community Quarantine na sinimulang ipatupad noong nakaraang linggo sa buong Luzon.
Nagpasalamat si Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Gilbert Gapay sa Lucio Tan Group at sa Jaime Ongpin Foundation sa donasyon na aniya ay pagpapakita ng pribadong sektor ng pagsuporta sa laban kontra sa Covid 19.
Hinikayat naman ni Gapay ang mga pubiko na gawin din ang kanilang parte sa laban kontra covid at sumunod sa mga paalala ng gobyerno sa gitna ng umiiral na emergency situation.
Siniguro pa ni Gapay ang dedikasyon ng Philippine Army na pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan sa banta ng hindi nakikitang kalaban.