Philippine Azkal, tinalo ang Nepal para sa AFC Asian cup qualifiers

Manila, Philippines – Tinalo ng Phillipine Azkal ang Nepal sa iskor na para sa AFC Asian cup qualifiers.
 
Nanguna sa AZKAL si Phil Younghusband na nagawa ng dalawang goal sa first half.
 
Una niyang nakuha ang goal sa penalty kick at muling nasundan ng isa pang goal.
 
Ginawa naman ni Lain Ramsey ang ikatlong goal ng Azkal habang ang ika-apat ay si Javier Patino.
 
Bago matapos ang first half ay nakapagtala ng isang puntos ang Nepal sa pamamagitan ni Bishai Rai.
 
Dahil sa panalo ay nakamit ng Azkals ang unang team na makapasok sa AFC Asian cup.
 
Ito na ang pang-apat na panalo ng Azkals sa limang beses na paghaharap nila ng Nepal.
 
Nabatid na kasama ng Azkals sa group ng qualifiers ang Nepal, Tajikistan at Yemen.
 

Facebook Comments