MANILA – Naka-full alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong Semana Santa.Sa interview ng RMN kay Coast Guard Commander Armando Balilo, sinabi niya na kahit kaunti pa ang mga nagsisi-uwian sa mga probinsya ay naka-standby na ang kanilang mga tauhan para tiyakin ang seguridad ng mga bibiyahe.Kasabay nito, nagpaalala rin si Balilo sa mga pasahero sa mga ipinagbabawal na dalhin para maiwasan ang pagkaantala sa kanilang pagbiyahe.Katuwang ng Coast Guard sa pagbabantay ang Department of Transportation and Communications (DOTC), Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority, PCG Auxiliary at Philippine National Police (PNP).Kaugnay nito… Nagpaalala rin si Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesman David de Castro sa mga pasaherong pupunta sa mga paliparan ngayong Semana Santa.Samantala, tiniyak ni de Castro na wala naman silang naitatalang untowards incidents sa NAIA ngayon maliban na lang sa mga flight delay.
Philippine Coast Guard, Full Alert Na Sa Pagdagsa Ng Mga Pasahero Sa Mga Pantalan Ngayong Semana Santa
Facebook Comments