Supplemental budget, mahalagang maibigay na sa DOH para gamitin sa mga hakbang kaugnay sa COVID-19

Ayon kay Senate President Tito Sotto III posibleng bukas o sa lunes isagawa ang special session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipasa ang panukalang supplemental budget na magagamit ng Department of Health (DOH) sa mga hakbang kaugnay sa COVID-19.

Bukod kina Senators Christopher Bong Go at Panfilo Ping Lacson ay nagpahayag din si Senator Grace Poe ng buong suporta sa gagawing special session.

Ikinatwiran ni Poe na baka lumagpas pa ng isang buwan ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa banta ng COVID-19 kaya posible na kulangin ang kasalukuyang pondo ng pamahalaan.


Ayon kay Poe, ang ipapasang supplemental budget ay maaring gamitin ng doh sa pagbili ng covid-19 testing kits at pagkuha ng mga dagdag na health personnel.

Sinabi ni poe na makakatulong din ang dagdag na pondo para mabigyan ng tulong pinansyal at suplay ng pagkain ang mga manggagawa na naapektuhan ng ECQ sa buong Luzon.

Facebook Comments