Philippine Consulate sa New York, nagsisimula pa lang mamahagi ng mga balota matapos maantala ang pagdating doon ng election materials

Nagsisimula nang mamahagi ng mga balota para sa registered absentee voters ang Philippine Consulate General sa New York.

Naantala kasi ang pamamahagi ng mga balota sa Filipino Community sa New York at mga karatig na states dahil na-delay ang pagdating ng election materials doon.

Pinapayuhan naman ang registered voters na personal na kukuha ng kanilang balota sa konsulada na magdala ng kopya ng valid Philippine passports o Philippine citizenship reacquisition documents gayundin ang proof of change ng address kung sila ay lumipat ng tahanan.


Tiniyak naman ng Konsulada ng Pilipinas na maihahabol nila ang pamamahagi ng mga balota kaya kahit na Easter Sunday ay puspusan ang kanilang distribusyon ng mga balota sa Filipino community doon.

Facebook Comments