2 bayan sa Lanao del Sur, inilagay sa kontrol ng COMELEC – PNP

Isinailalim ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang kontrol ang mga munisipalidad ng Tubaran at Malabang sa Lanao del Sur dahil sa mga banta sa darating na May 9 Election.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Directorate for Operations Director Police Major General Valeriano de Leon, mayroong mga posibleng banta mula sa mga lokal na terorista sa Mindanao o Bangsamoro kaugnay ng halalan.

Aniya, nakipag-usap na rin siya kay COMELEC Chairperson Saidamen Pangarungan ukol dito.


“Meron at ako ay nakipagpanayam sa ating Chairman si Atty. Saidamen Pangarungan at kami ay baka mag-inspect doon,” ani De Leon

Sinabi pa ni De Leon na nagtalaga na ang Special Action Force (SAF) ng ilang platoon sa Tubaran at Malabang.

Facebook Comments