5 Bayan ng Isabela, Nananatiling may Aktibong kaso ng COVID-19

24
Cauayan City, Isabela- Lima (5) nalang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Integrated Health Office ngayong araw, Abril 18,2022.

Kabilang ang tig-isang kaso mula sa Alicia, Echague, City of Ilagan, San Mariano, at Santiago City.

Dahil dito, umabot na sa 69,997 ang total cumulative cases at 66,744 ang recoveries habang naitala naman ang 2,248 na COVID related deaths samantalang walang naitalang naidagdag na mga tinamaan ng sakit.

Sa kabuuan, tatlumpu’t dalawa (32) bayan na sa Isabela ang COVID-19 Free.

Patuloy pa rin ang paghimok sa publiko na sundin ang ipinapatupad na minimum public health protocol para makaiwas sa COVID-19 habang ang mga hindi pa nagpapabakuna ay magpaturok na para sa dagdag na proteksyon.

Facebook Comments