Manila, Philippines – Dumipensa ang Philippine Daily Inquirer ukol sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na minura ng Pangulo ang Inquirer at sinabihan na bastos at kailanman ay hindi naging patas sa pagbabalita.
Ayon kay Inquirer Executive Editor Jose Nolasco – napanatili ng Inquirer ang pinakamataas na pamantayan sa pamamahayag simula pa taong 1985 kung kailan ito itinatag.
Sa kabila aniya ng matapang na paghahanap ng katotohanan, pinagsisikapan ng Inquirer na makuha ang panig ng kasalukuyang administrasyon sa anumang kontrobersiya.
Samantala, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang ABS-CBN na binanatan din ng Pangulong Duterte sa kanyang talumpati kahapon.
Facebook Comments