Philippine Embassies sa Gulf Region, naka-monitor sa lumalalang diplomatic crisis sa rehiyon

Manila, Philippines – Masusing mino-monitor ng Dept. of Foreign Affairs at ng Philippine Embassies sa Gulf Region ang lumalalang tensyon sa rehiyon.

May kaugnayan pa rin ito sa blockade ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Egypt at Bahrain kontra Qatar.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar,partikular na binabantayan nila ang mga development ngayon sa Gulf Region.


Gayunman, sa ngayon aniya ay wala pang instruction ang DFA sa mga embahada ng Pilipinas sa naturang mga bansa.

Una nang nanindigan ang Saudi Arabia na hindi negotiable ang labing-tatlong demands nila sa Qatar.

Kabilang sa mga mabigat na dahilan ng pagkalas ng relasyon ng apat na mga bansa ang sinasabing ugnayan ng Qatar sa extrimist groups na siya namang pinasinungalingan ng Qatar.

Facebook Comments