Halos 60 mga gusali, na-clear na ng military sa Marawi City

116

Manila, Philippines – Dahil sa magkasabay na combat at clearing operation sa Marawi City, umabot na sa 57 mga gusali ang na-clear na ng military.

Pero aminado naman si 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera na pahirapan sa militar ang pagsasagawa ng clearing operation lalo pa’t tuloy-tuloy pa rin ang pagsabog ng mga bomba at pakikipagbarilan nila sa mga rebelde.

Kaya naman doble ingat din ang tropa ng pamahalaan sa kanilang clearing operation para hindi na madagdagan pa ang casualties.


Sa ngayon hindi pa masabi ng militar kung cleared na rin ba ang isa sa apat na barangay na may presensya pa ng Maute Group.

Kaugnay nito, naniniwala naman si Herrera na lalo pang tumitindi ang awayan sa liderato ng kanilang mga kalaban dahil pa rin sa isyu ng pera.

*



Facebook Comments